Sunday, March 27, 2022

Dark day

Today is Ate Pia's birthday but also the day that Kuya Jojo passed away. He could have turned 50 years old five days from now, but it wasn't meant to be. I'm still recovering from COVID but this is another blow. Sa lahat ng pinsan, siguro sa mga nakaraang taon, si Kuya Jojo iyong naging malapit kami. Siya iyong naaasahan nila Nanay at Tatay, magkausap sila araw-araw, parang tumayo na rin siya na anak nila Tatay at Nanay at siyempre tumayong magulang na rin sila Nanay at Tatay para sa kanya. Sinasabi ko na nga kay April noon na malaki ang utang na loob namin kay Kuya Jojo kaya kailangan na magpasalamat din kami sa kanya at regaluhan siya tuwing may okasyon. Nitong nakaraang araw nga naisip ko pa kung may padala ako sa Balikbayan Box na para kay Kuya Jojo, hindi na umabot. 

Sa kabuuan, nakakalungkot, naisip ko pa naman last December kung regaluhan ko sila ng health insurance. Siyempre naisip ko na ang laking pera rin ilalabas atsaka ang weird. Pero naisip ko ngayon, ang dami kong pera. Ang dami ko rin tinutulungan na hindi kamag-anak. Bakit hindi ko nagawa / ginagawa para sa mga kamag-anak? I'm trying to understand the family dynamics especially from Nanay's side. Wala talaga silang ka-amor amor sa isa't isa. Hindi ko rin maintindihan bakit umabot sa ganito na hindi sila nagmamahalan na magkakapatid, bagkus ay nag-aaway-away dahil sa mamanahin. Sabi nga ni Tatay, walang away sa kanila kasi wala naman mamanahin. Pero iba pa rin talaga iyong dynamics kila Tatay eh, grabe iyong pagmamahalan to a fault. Kaya asar na asar kami sa kanya kasi nga mahal na mahal niya iyong pamilya niya. But I guess that's really how it should be, right?

Anyway, 1:45 na rito at kailangan ko na rin matulog. Ang dami ko rin pinag-iisipan. Malungkot lang talaga.