Medyo nagsho-short circuit iyong utak ko sa stressful na sitwasyon simula kahapon. Naiwanan ko iyong winter jacket ko sa sasakyan ng magulang ko at nang maalala ko eh nasa Ayala na si Mike. Siyempre bakit ko iha-hassle iyong tao na pabalikin para lang sa jacket ko. Buong flight iniisip ko anong gagawin ko, kung magta-taxi ba ako o susubukin na mag-public transport as usual. Kasi pareho rin eh, kung mag-taxi ako, maga-abang pa rin naman ako sa labas. Buti na lang, dinala ko rin iyong binigay sa akin ng Ate ko na Uniqlo Heattech, so ginawa ko, pagkakuha ko ng bagahe isinuot ko lahat ng top na pwede ko isuot. Tapos dinoble ko rin iyong medyas ko. At kahit wala nang nag-gloves dito eh sinuot ko ang gloves at nagsuot din ng beanie na gawa ni Alyssa! Kinaya naman ang 4°C dahil wala masyadong hangin. Sabi nga ni Mikhail, "naka-gloves pero walang jacket" eh wala eh ang mahal ng taxi, hate ko rin ang power dynamics ng driver at rider, at ayoko rin na makipaghulaan kung ako ba magsasampa ng bagahe ko sa sasakyan. Bilang isang otrovert na maraming isyu, pinaka-safe sa emotional well-being ko ang public transport.
And speaking of public transport, anakngtinapa, may nationwide public transport strike bukas hanggang Sabado. Heto na naman tayo sa strike na natatapat sa Japan trip ko. Noong dating imbitasyon ng Kanazawa University, hindi ako natuloy kasi nag-strike iyong mga airport. Ngayon, problema pa rin kahit iyong public transport. Bukas, maaga iyong tren ko mula rito sa Munich papuntang Berlin. Pero dahil strike, kailangan ko mag-Uber to the nearest train station. Bukas kailangan ko rin pumunta ng Embassy ng Japan para kuhanin iyong visa ko (na sana eh multiple entry na kasi paubos na iyong pahina ng passport ko at sobrang hirap kung kailangan i-renew kasi nakakabit iyong residency card ko sa passport ko at good luck na lang sa waiting time para sa appointments at para makuha iyong mismong passport at residency card). Dahil walang public transport, siyempre taxi iyan para makarating ako roon. Tapos kailangan ko bumalik ng Eberswalde para i-check ang mailbox ko at i-check ang opis ko. Siyempre kailangan ko na rin trabahuhin iyong sandamakmak na reimbursement at Reisekostenabrechnung ko.
So hindi ko na alam paano bukas. Magkikita rin kami ng kapatid ko kasi ang dami niyang padala so ipapakuha ko na sa kanya. I think makaka-biyahe naman ako pabalik ng Eberswalde, mukhang gagana naman iyong mga regional trains. Wala nga lang mga bus so medyo mahabang lakaran ito na bitbit iyong bagahe ko kung sakali. Handcarry na luggage lang sana ang gusto ko pero may sumpong na iyong handle noong beloved Delsey ko na teenager na yata sa edad. Okay sana iyong Samsonite ni Ate na nasa Pinas kaya lang walang handle sa gilid atsaka paano ko naman bibitbitin iyong papuntang Germany kung may isang bagahe na ako. Kung maaari nga walang check-in sana. Iyong American Tourister din na regalo ko kay Physicist nasa Pinas, sinira niya kasi, sabi niya, "It did not pass the Andrea test" kaya ayon nandoon sila sa kwarto ko (na ginawang bodega ng magulang ko) nakabinbin. Pwede ko hiramin iyong Lufthansa ni Andrea rito pero sobrang bigat kahit cabin size lang siya. Ang mahal-mahal tapos ang bigat.
Anyway, natapos ko na rin ang slides para sa Kanazawa University symposium next week, nakapaglaba na rin ako ng suot kong damit, naghugas ng pinggan, nag-scan ng resibo, siyempre binaba ko na iyong mga kape at mangga para sa tao rito. Ang malala lang, natuklasan ko na iyong isang team member namin ay nag-double charge sa per diem nang ilang beses na, sabi nga ng Tatay ko, "ang tawag diyan ay per daya" at sobrang nalungkot lang ako. Alam ko na mahirap ang buhay sa Pilipinas pero sana naman 'di umaabot sa ganun na korupsyon. Bakit si Ate Inday, mahirap din ang buhay nila bilang mga katutubo, pero kada donasyon ko sa kanila, sinisiguro niya na nagli-liquidate siya. Sabi ko nga hindi na kailangan, donasyon ko naman sa kanila iyon (parang panata ko na kada taon ay nagdo-donate ako ng pang-noche buena o pasko ng pagkabuhay sa kanila). Gusto ko nga sana may makausap tungkol diyan, ano ba, rapat ba na sumunod tayo sa batas? Minsan meron nag-post sa Alpas na naghahanap ng pangalan na tatanggap ng bayad on their behalf kasi sa status nila ('di ko na maalala kung asylum seeker ba o currently unemployed) dapat naka-report iyong nira-raket nila. So paano, okay lang ba iyon kahit labag sa batas?
Okay, time to go back to work. Siyempre ang daming backlog. Kaya wala na naman pahinga ito. Napagod din ako sa Pinas. Ang daming ganap sa bahay. Meron din na siya una nag-suggest mag-meet kami kapag nasa Pinas ako pero gusto sa balwarte niya roon sa boundary ng QC at Maynila na pagkalayu-layo. Ni hindi man lang nagtanong kung okay lang ba sa akin, basta sinabi na lang na roon kami magkita. So hindi ko na siya sinagot at pinagpipilitan niya na roon mag-meet. Online na lang kami magkita. Boundaries. Sinabihan ako ni Tanya na tumaas na raw standards ko, lalo na noong sinabi ko sa kanya na tinigilan ko na kausapin ang isang common friend. Actually, no. I think it's just people back home grew older but did not grow up. Ang dami kong guy friends na same old, still spewing lame misogynist rude jokes. Everytime I meet them, I am reminded of how lucky I am that I ended up with the Physicist and not a Filipino partner. I can't think of anyone who can compare. To be fair, medyo unicorn din naman talaga si Physicist so mahirap tapatan. Tunay na worlds apart. Kaya kayo na mga minahal ko na mga Pinoy boys, na-outgrow ko na kayo. Iyong pinakahuli sa inyo, 'di ko kinaya ang drama. Pero kahit papaano naman eh magkaibigan pa rin. Siyempre ayoko rin magsalita nang tapos. Walang forever, baka sa huli sa Pinoy din bagsak ko!