Ito yata ang tema ng buhay ko these past weeks. Iyong may kumuha sa per diem. Tapos heto may nagnakaw ng iPad ko. Medyo may hinuha na kami kung sino, iyong isa sa tatlo na hindi pumasok ngayon biglang may pamangkin daw na kailangan alagaan. Iyong iPad na iyon ang natatangi kong Gerät para sa isang bangko ko tapos nawala pa. Eh ang balik ko sa Eberswalde sa katapusan pa ng buwan so halos kalahating buwan akong walang access sa bangko ko. Nakakagalit. Pinagkatiwalaan namin, nag-iisip pa nga ako ng kung anong pwede niya sana pagkakitaan na maitutulong ko.
Sa totoo, iyong iPad matanda na iyon, hindi ko alam magkano na lang iyong mabebenta. Iyong mas masakit iyon ngang kailangan namin paghinalaan ang mga tao na pinapasok sa tahanan namin. Limang buwan na siya nagpa-part time, grabe iyong konsiderasyon nila Nanay at Tatay sa kanya kahit AWOL siya atbp. Ito kasing Nanay ko ang O.C. sa bahay kailangan araw-araw nililinis lahat eh pwede naman hindi. Tapos si Tatay sabi sa barangay kagabi nang magpa-blotter kami, "mali nga na hindi namin nalagyan ng CCTV doon sa taas"
Hello?!
Kasalanan ang mag-relax sa sariling bahay?! Sa sarili kong bahay kailangan ko maglagay ng CCTV? (Naalala ko tuloy si Afroman at ang alamat ng Lemon Pound Cake) pero sa kabilang banda sabi ng kapatid ko, "Masyado na ba tayong privileged?" na iyong seguridad na ganun ay para sa amin overkill kumbaga. Pero siguro nga oras na rin maglagay ng CCTV. Ewan ko, bahala na magulang ko. Sabi na lang din ng Tatay ko sa akin kanina, "isipin mo na lang may natulungan ka, donasyon mo na iyon."
Iyong mas kinakainis ko, na nagulantang ako bago sa flight. Naka-plano na lahat, may deadline ako na sobrang tagal na talaga, ipapasa ko sana kagabi, sobrang saya pa nga namin kasi si UK biglang nagpadala ng pansit at lumpiang shanghai. Tapos sa umaga ako mage-empake at pagdating sa layover ay lalabas at pupunta sa isang kakilala (actually matalik na kaibigan ni Abrilata) na ang tagal ko nang 'di nakita! Siya rin iyong sumaklolo sa akin noong huling lipad ko sa 5J kung saan na-offload ako dahil sira raw ang passport ko. Eh 'di siyempre nag-book ako sa ibang airline, nakalusot naman. Simula noon, 'di na ako nag-5J.
Nagtatawag na itong Singapore Airlines ah. Magbibihis pa ako nang panlamig. Sana makatulog ako sa flight. Wala akong tulog kagabi. Masama ang loob ko. Gusto kong umiyak. Pero siyempre let me emotionally regulate myself. Magpa-constipate na lang ako. Out na muna. Baka mag-yelo ako sa eroplano. Sana ma-let go ko na agad itong sama ng loob ko sa pagkawala ng iPad ko. Iyon lang.