Dapat isusulat ko iyong tungkol sa Bhutan trip dito pero dumiretso kasi ako agad ng Palawan para sa stakeholder workshop namin tapos nakigulo rin saglit sa Nature's Heartbeats trust-based grant pitch ng NTFP-EP Philippines. Dami rin realisation mula sa mga ganap na iyan pero heto muna: nandito na ako ngayon sa Puerto Princesa nag-aabang ng labada ko, pero medyo unsettling din iyong kanina na kumain ako sa carinderia tapos Php45 lang iyong monggo, kanin, at sabaw. Iyong carinderia malapit sa isang malaking mall tapos iyong karamihan ng kumakain doon mga naka-uniporme na nagtra-trabaho sa mall. Tanggap na lang ba talaga natin na normal iyon? Iyong mismong nagtra-trabaho sa mall, hindi kaya kumain sa mall mismo? At ano kayang presyo ng kinain ko kung sa mall ko bibilhin?
Siyempre nagulat din ako na big deal dito ang Valentine's Day o nakalimutan ko na lang din siguro kasi 'di naman ganyan sa Alemanya at sa amin ni Physicist. Medyo mahirap din talaga ang usaping pag-ibig, ano pang edad man iyan. Sa tagal namin ni Physicist, sobrang dami na namin pinagdaanan at pinagdaraanan pa rin, kailangan din talaga parang may quarterly assessment gaya sa trabaho na gumagana pa ba ito? Medyo nagsisimula na niyang mapansin wala ako roon kaya kailangan ko na rin bumalik talaga. Problema, pagdating ko roon, halos isang araw lang ako tapos punta na ako ng Eberswalde ulit kasi kailangan ko naman bumiyahe papuntang Japan. Hindi naman ako makabiyahe mula rito kasi iyong visa kukuhanin ko pa mula sa Alemanya.
Of course, when I go back to Germany after Japan, I only have a few weeks then I would have to travel back again to Pinas for our mother's 70th birthday. And then when I go back to Germany, I would have to travel to the Biodiversa+ first events (somewhere nice in Portugal, sila nag-plano niyan). And I plan to go back to Bhutan in May, scrap that, I plan to do my Nepal stay (UNESCO TWAS Visiting Expert Programme) then go to Bhutan. Anyway, my laundry is ready! Ititiklop ko na. Paalam!