So tuluyan na nga ako nagkasakit. Hindi ko alam kung saan ko nakuha 'to pero ang classic na sipon na tuwing sinisipon ako ay masama ang katawan. Buti na lang may dalang Samahan tea si Ate na sana makatulong na mabilis ma-shed off ang cold virus. Sana hindi ko nahawa si Jaja kahapon, may cancer pa naman ang tatay niya. At iyon na nga, ang bigat ng araw kahapon. Pinuntahan niya si Ploppy, na sa may Rockwell Center lang pala ang opis! Bakit hindi ko alam iyon?! Eh ang dalas ko nasa Medical City. But also dahil hindi na kami close ni Ploppy. Pero iyon nga, siya rin ay may dinadalang pasanin, tatay niya rin na-diagnose with stage four cancer. Hanggang iyon isa rin kaibiban ni Jaja mula sa isa pang outdoor club dito sa Pinas, na-meet ko kahapon, tapos ang bigat din ng pinagdaanan.
Kaya ayun kahit na wala akong tulog kahapon, pumunta na rin ako. Para na rin ma-pick up iyong resulta ng x-ray ng Nanay ko nang ma-ER siya tapos na kailangan din daw para sa renewal ba ng business permit? Ewan ko pero sobrang busy nitong dalawa rito kaya sinadya ko na rin, dahil iyon nga nandoon si Jaja (na ilang dekada ko na rin hindi nakikita). Nakarating ako hanggang Tiendesitas kung saan meeting place ni Jaja and friend sa Decathlon (big surprise for me na walang Decathlon sa New Zealand, wala rin Uniqlo, like what) para sa kanilang shopping therapy. Nag-Zoom call din ako sa loob dahil iyon nga inabutan na ako ng trapik (typical rush hour) but in the end it was not so traffic after all. Bihira pa rin sasakyan. So hindi masyadong masakit iyong pag-uwi ko.
Sumakay ako ng jeep kahapon mula Tiendesitas pauwi rito. The kindness of people in full display, ilan kami na hindi na nagpasukli. Nagpasalamat pa iyong jeepney driver wife na nangongolekta, pero isip ko, kami nga commuter ang dapat magpasalamat at pumapasada pa rin sila para may masakyan ang iilan. Sobrang nakakagalit lang siyempre kasi for those taking the jeepney, it's obvious most are those who don't have much in life, so that amount of Php7.00 is already a big amount to let go of, a lot of sacrifice. Tapos noong bumaba na rin kami rito, may naka-motorsiklo na pinara iyong bus para sabihin na tatawid nga kami. 'Di ko gets why kindness is so hard to come by nowadays especially in Pinas.
Bukas si Amba naman imee-meet ko atsaka sana matuloy din sa dinner kay Michael pero parang puno iyong araw niya so we'll see. Grabe, sobrang nakakataba ng puso iyong Amba made time to meet me. Sana medyo okay-okay na ako bukas.