Wednesday, April 8, 2026

Pinas

Hindi rin talaga celebration iyong 70th birthday ni Nanay. Depende pala kung paano mo tignan ang celebration. At least 2 out of 3 offsprings were here, here as in Pinas. Dumating kahapon si Ate tapos pumunta siya rito ng meriendinner. Sobrang simpleng salu-salo lang. Tapos since bangag na rin si Ate, umalis na rin siya agad. Medyo weird din ng feeling na kaya pa naman namin magsasakyan (well, mostly si Ate at si Tatay) sa panahon ng krisis na 'to. 

Nag-meet kami ni Ate Cynthia today after two years yata na hindi nagkikita, sa Tuan Tuan ulit sa UP Town Center. Iyong pamasahe ng Grab mula rito sa amin papuntang UP Town around 10:00 in the morning ay Php600. Siyempre, nag-commute ako. Isang oras na nga ang inilaan ko, pero niyari ako ng trapik sa Katipunan, punong-puno pa rin iyong northbound ng truck at mga sasakyan. Late tuloy ako kanina.